Wednesday, October 19, 2005

usahay

Minsan kahit mahal na mahal mo ang isang tao…
Dumarating ang punto na ikaw mismo ang kusang lalayo…
Pipilitin mong humanap siya ng iba…

Isang taong nararapat sa kanya…
Pipilitin mong lumigaya siya sa piling ng iba…
Sa taong hindi makakasama sa pagkatao niya…

Upang makalimutan ka…
ang inyong mga alaala habang magkasama
ang mga binuo ninyong pangarap…
ang ipinaglaban ninyong pagmamahalan…

Kahit na sobrang hirap…
Kahit na halos mapunit ang dibdib mo sa lungkot…
Kahit na halos ikamatay mo ang sakit…

Pipilitin mong kayanin…
Dapat mong kayanin…
Dahil iyon ang nararapat…
Iba ang nararapat para sa kanya...
Dahil iyon ang makakabuti…
Higit na makakabuti para sa kanya…
Dahil hindi ka makakabuti para sa kanya…
Kaya ‘di bale nang mabuhay ka na lang mag-isa…
Kasi nga mahal mo siya…

Kaya…
ikaw na lang ang magsasakripisyo…
ikaw na lang ang iiyak mag-isa…
ikaw na lang ang magiging masama sa paningin ng iba…

Para sa kaligayahan niya…
Para sa ikabubuti niya…
Para sa kanya…
Kakayanin mong mag-isa…

Wag ka nang mag-alala..
Para sa mas ikabubuti mo…
Para sa pagmamahal ko sa’yo
Para sa’yo
Kakayanin ko ito…
Kakayanin kong mag-isa…

No comments: