Tuesday, September 26, 2006

a glass of orange juice

kagabi, kausap ko si rania.

ang ambiguous daw ng last post ko..
napa-isip pa raw siya kung para kanino yun.
and knowing you.. malamang daw 'pag mabasa mo (yun ay kung binabasa mo ang blog ko), hindi mo ia-assume na ikaw, magdo-doubt ka kung para sa'yo nga.

isa pa, baka raw nirere-enforce ko lang lalo na may iba pa akong gusto.
(fyi, ikaw lang talaga ang gusto ko.)

so pano ba magiging maliwanag ang lahat?

hmm, sa simula pa lang naman malabo tayong dalawa..
complicated.
hanggang ngayon hindi pa rin maliwanag kung ano na nga (o kung meron ba in the first place)
nakakalito. minsan mababaliw na ata ako sa kakaisip.
pero bakit ba ko magpapakabaliw sa kakaisip?
eh ako ba iniisip mo?

pwede kayang liwanagin na lang natin?
pero pa'no naman?
eh sa pagkakaalam ko.. pareho tayong duwag.
divine intervention? ;D

tapos kanina may pinasyalan ako sa cyberspace... tingin-tingin. basa-basa. (kahit na dapat inuuna ko ang rrl ko)


tapos napansin ko lang bigla
hindi ka pa pala nagsusulat ng kahit ano tungkol sa akin..
pero si ano naikwento mo na..
pero si ano rin naikwento mo na rin sa kanila..

siguro hindi ka pa sigurado kung anong nararamdaman mo.
siguro kasi iba ako sa kanila, ibang-iba di ba?

kaya ngayon, naisip ko na hanggat hindi ka nagsusulat tungkol sa akin..
hindi na muna ako maniniwala na there's something.

kung umabot sa panahong magkahiwa-hiwalay na tayo,
wala akong magagawa.
siguro gano'n talaga plinano ang mga bagay-bagay sa buhay ko (ang lungkot naman 'ata)
hanggang dun lang siguro..


* bakit 'pag mahal mo ang isang tao, mas lalong mahirap sabihin?

No comments: