Sunday, August 20, 2006

project design

i watched rockestra 2 last night with rania, carol, bully, ace (bully's brother 'tas dumating si kuya gino though 'di na siya nanood kasi patapos na nung dumating siya) sa folk arts... nakakatuwa ang experience. astig pala pagsamahin ang isang banda at isang orchestra (ayan kasi dom, hinde ka sumama! hmmp).. sana nga lang mas malapit kami sa stage... siguro next year, 'pag may mga work na kami mas maa-afford na namin... well, hopefully by next year may work na nga ako. ;D

ang aliw nang araw na 'yun! tsaka dapat talaga maging aliw ang araw na 'yun after taking two exams in two major subjects... (haay...naalala ko lang ang sakit sa loob na magmemorize nang article 8 section 5 nang consti tapos hinde naman pala lalabas sa exam...haha. umabsent pa tuloy ako sa 110 ko para dun, dapat pala hinde na lang..)

isa pang dahilan kung bakit aliw? eh kasi... (yikee! kinikilig ako..haha.) i, unexpectedly saw my one and only crush sa mundo ng mga band-ista!! nakita ko si kean ng calla lily at sa gulat ko medyo na-freeze ako... at siya naman pagkakita niya sa 'kin ay nagulat din.. siguro naisip niya.. nagkita na naman kami nang babaeng 'to... eh kasi naman ewan ko ba, lagi ko na lang siyang nakikita nang biglaan pagkatapos ko siyang makita nung may mini-concert for the rookie camp ang FOPC sa sunken garden... niloloko nga ako nina carol na baka soul mate ko raw.. hahaha. sana nga ;p

and the third dahilan kung bakit aliw ang araw na 'yon eh siyempre kasi nag-sleepover na naman ako kina rania! (carol kasi, nagbago isip...next time hnde na pwede ang pass) ;D siyempre, chikka marathon yun! at food marathon din! haha. ;D ewan ko ba, kahit lagi rin naman kami magkasama sa school, hindi pa rin kami nauubusan nang pag-uusapan.. siguro ganun talaga 'pag true friends.. kaya ayun 5:30 am na kami natulog... kaya naman mga past 5pm na rin ako nakaalis ng bahay nila.. sa totoo lang, thankful talaga ako kay Lord for giving me rania.. ewan ko ba kung anong ginawa kong mabuti to deserve someone like her.. salamat, salamat, salamat..
p.s. sana hindi ka na nga ever matuto magtampo.. ipaubaya mo na sa akin 'yun. haha. ;D

No comments: