Thursday, July 21, 2005

tuesdays...

gusto kong sumigaw...

gusto kong tumawa...
tumawa ng tumawa habang kasama ka...


kahit magmukha akong baliw at tanga...
basta kasama kita...


gusto kong tumakbo na hawak ang mga kamay mo

tumakbo palayo sa lahat...

takasan natin ang mundo...lumayo tayo...
tumungo tayo sa lugar na tayo lang ang tao...
ikaw at ako...

para walang magulo...hindi kumplikado...
masaya tayo.

gusto kitang yakapin...
yakapin ng mahigpit...

habambuhay...sa bawat paghinga...
ikaw lang...ikaw na nga...


gusto kong tumawa...
gusto kong tumakbo...
gusto kitang yakapin...
gusto kong sumigaw...

isigaw na MAHAL KITA...
dahil 'yun ang totoo
'yun ang sinisigaw ng puso ko...
ikaw ang nasa puso ko...

mahal kita.

Wednesday, July 13, 2005

all you ever needed...

it's been a month na pala since i last posted...

haha... i haven't posted pala a single article since the classes started this sem...

lazy me... hehehe as always!


First things first, i extend my sincere gratitude to everyone who made my birthday so special!

thank you so much...

(Rania&Gracie...what more can i say...u made my birthday so unforgettable that up to now i'm still overwhelmed with joy... thank God for friends like you!)

sa lahat ng nag-sign sa card...hehehe...halos lahat kayo nag-wish na magkaron ako ng mas colorful pang lovelife... hehehe... sana nga noh?!

again...everyone, thank you for being part of my life... GODBLESS US ALL! ^_^

p.s. (Gracie,Rania,Cel) ayan...religious na ko...pa-Godbless Godbless na rin ako...bagay na kami ni papa _ _ _ _ _ ! hehehe ;p


*************************************************************************************

So bakit nga ba ang tagal bago ako nag-post ulet?

hmmm...

1. busy? mejo...priority ko kc ngaun ung 178 and ung application ko sa APSM...
naku...

next friday na BATTLEFIELD FRIDAY namin where we have to share our talents to all the members... friends...i need ur moral support! may challenge kami later at 1pm...ano kaya ung challenge? GO AQUIOSA!!

2. bangag? oo...nababangag talaga ko sa 178...ewan ko ba...i feel so intimidated sa prof namin...laging naeexperience ko ung butterfly sensations everytime na papasok ako sa class namin dun...haay...polsci... (Farrah...sana nga dumating na ang panahon na talagang mahalin na natin 'to ng buong puso...)

3. inlove? sasabihin ninyo siguro... na naman karen!!
ewan ko ba... sa totoo lang...hindi 'to kasama sa plano ko ngayong sem...
hindi nga ako naghahanap... after my past relationships kasi akala ko napagod na ang puso ko na magmahal...pahinga muna...ayoko na munang masaktan at umiyak na naman...

pero bigla siyang dumating...
sa totoo lang, kaya hindi ako nag-update ng blog eh dahil natatakot akong hindi mapigilan ang sarili ko at maisulat ko ang depth ng nadevelop na "feelings" ko sa kanya...

(Cel..Rania..Gracie...)


it's true i'm falling for him...

kahit ayoko... wala na kong magagawa...
ayoko ng lokohin ang sarili ko...
pero hindi ako umaasa ng something more sa friendship namin...
masaya na kong nakikita siya twice a week...
nakakausap...napapatawa...napapangiti...nakakasabay pagbaba ng hagdan...

ok na ok na yun... para mapangiti ako buong araw...

buong buhay...

tama na muna 'to bka malaman na ng lahat kung sino siya...

sa next update ko...i'll post something bout him... promise it won't take me a month to post that... hehehe...

^_^