Thursday, July 21, 2005

tuesdays...

gusto kong sumigaw...

gusto kong tumawa...
tumawa ng tumawa habang kasama ka...


kahit magmukha akong baliw at tanga...
basta kasama kita...


gusto kong tumakbo na hawak ang mga kamay mo

tumakbo palayo sa lahat...

takasan natin ang mundo...lumayo tayo...
tumungo tayo sa lugar na tayo lang ang tao...
ikaw at ako...

para walang magulo...hindi kumplikado...
masaya tayo.

gusto kitang yakapin...
yakapin ng mahigpit...

habambuhay...sa bawat paghinga...
ikaw lang...ikaw na nga...


gusto kong tumawa...
gusto kong tumakbo...
gusto kitang yakapin...
gusto kong sumigaw...

isigaw na MAHAL KITA...
dahil 'yun ang totoo
'yun ang sinisigaw ng puso ko...
ikaw ang nasa puso ko...

mahal kita.

No comments: