Monday, October 10, 2005

Shutter...

Namimiss kita...
pilit ko mang itago...

ilang araw pa lang tayong hindi nagkikita...

ilang araw pa lang tayong hindi nagkakausap...

ilang araw pa lang tayong hindi nagkakasabay...

pero namimiss na talaga kita...
pilit ko mang itago...

ikaw...

naaalala mo kaya ako ngayong mga oras na 'to?

naiisip mo kaya ako?

bumabalik kaya sa'yo ang mga alaala ko?
napapangiti ka kaya ng mga alaala ko?

sana...
sana nga...

nasaan ka kaya?

hinahanap mo kaya ako?
hinihiling mo kaya na nasa tabi mo ako ngayon?

sana...
sana nga...

kailan kaya tayo muli makikita?

kailan kaya tayo muli magtatagpo?

baka matagalan...
wag naman sana...

hihintayin ba kita?
nagpapahintay ka ba?

hanggang kailan?


sana sa muli nating pagtatagpo...

ok na ang lahat...

wala nang kahit isang problema...

malaya na tayong makakalipad nang magkasama...

tayo lang dalawa...

patungo sa paraisong para sa atin lang ginawa...

sana...
sana nga...

namimiss kita...
pilit ko mang itago...
namimiss talaga kita...

hanggang sa araw nang ating muling pagtatagpo...

hihintayin kita...
hihintayin kita...




No comments: