Sunday, August 27, 2006

pwede bang tumawa na lang ng tumawa?

bakit ba tuwing umiinit ang ulo mo, sa 'kin ka gumaganti?
parang sa 'kin ka nagagalit kahit wala naman talaga akong ginawang mali...
minsan nga kahit wala naman akong kinalaman sa nangyari, wala, ako pa rin ang tumatanggap ng inis o galit mo..
nakakatawa na lang isipin na posible pa lang mag-away ang dalawang tao nang wala namang exchange of words sa simula pa lang ng away.
nakakatawa na lang din isipin na posible kayong magbati nang walang usap... o kaya naman sa pamamagitan ng isang tanong..
gusto ko na lang tumawa. nasasanay na kasi akong tawanan na lang ang lahat pagdating sa'yo.
gano'n na lang ba tayo palagi?
alam mo bang, nakakapagod nang intindihin ka.
gusto mo kasi 'ata lagi na lang kitang iintindihan..
gusto mo kasi 'ata 'pag lumamig na ang ulo mo, iisipin ko na lang na walang nangyari.
gusto mo kasi 'ata maghintay ako kahit gaano katagal sa'yo.
nakakapagod ka nang intindihin.
nakakapagod ka nang hintayin.
nakakapagod ka rin palang mahalin.

No comments: